Sunday, September 4, 2011

boracay sand castle

isa yan sa mga gusto kong makita sa boracay... walanghiya di pa ko nakakapunta dun, inalis na nila ung ganun... bwisit... kainis!!! ano kayang problema ng local govt dun, bkt ayaw nilang pagawa ng sand castle eh isa un sa mga nagpapa-attract sa mga tourists, taz super ganda tingnan sa picture.. as in di kumpleto ang trip sa boracay kung wala kang picture ng sand castle, parang signature na un ng boracay tapos inalis nila...hay naku...

i don't know nor am i interested to know what their reason for prohibiting it... pro kung nag-a-alala sila sa buhangin ng boracay at pag-proliferate ng mga taong gumagawa, then bakit di sila mag-talaga ng isang official sand-castle maker (lolz only in the philippines) as in ISANG TAO lng, tapos lahat dun na magpapagawa, isa or maybe 5 na government-appointed sand castle makers (kc baka may pila un kung isa lng)...at least dun kikita din gobyerno nun, kc ung ibabayad dun sa gagawa, may parte sila, im sure kung hindi taxable un, makakagawa sila ng pangalan para dun at ng magkaroon ang govt ng parte sa kita...

kainis, un talaga ung isa sa mga gusto ko sa boracay, mag pagawa ng sarili kong sand castle taz lagay ko name ko at ng mama ko, taz picture kami... hay na=iimagine ko na, balak pa lng naman... ngyn di na pwede... cno bang mayor dun or governor... bkit di sila makaisip ng magandang solusyon sa nakikita nilang problema sa sand castle.... imbes na pagbawalan at limitahan ang pagiging natural na artist ng mga pinoy, bkit di sila mag-contest para sa lahat ng gustong gumawa ng castle, tapos ung top 5 na maganda eh di un ung magiging official na sand castle makers tapos pwde na nilang hulihin lahat ng mag-try na gawing profit ung sand castle maliban lng dun sa lima... hindi ba win-win situation un...

pro syempre siguro di maiiwasan na mapulitika din kung mag=contest at baka maging lutong makaw at kung sino lng gustong ipapanalo eh un ung mananalo... bahala sila dun,, basta sana as in sana lng talaga makapag pa picture kami ng mama ko sa isang malaki at sobrang gandang sand castle pagpunta namin dun sa boracay...

tska ano bang dahilan bakit dumadami ung mga taong gumagawa ng sand castles at nagpapabayad...
wala silang ibang pinagkakakitaan
ibig sabhin marami pa rin tao sa boracay ang mahirap
kelangan nila ng pera at ito ang isang paraan para magkaroon sila ng pera

maraming problema na makikita sa isang issue tulad ng pag-bawal sa sand castles.